8 timbog sa droga sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 04:02 AM

Arestado ang 8 katao matapos mahulihan ng ilegal na droga habang nagsusugal sa Quiapo, Maynila.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ang Barbosa Police Community Precinct ng tawag mula sa isang concerned citizen.

Narekober mula sa mga nahuli ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P7,000.

Napag-alaman ng pulisya na 3 sa mga nahuli ay dati ng nakasuhan kaugnay sa ilegal na droga.

Ang 2 iba pa ay nasa drugs watchlist habang ang isa ay kinasuhan ng pagnanakaw.

Aminado naman ang ilan sa kanila na gumagamit sila ng ilegal na droga pero hindi raw sila sangkot sa pagtutulak.

Nakakulong ngayon sila sa Manila Police District Station 3 at posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.