2 holdaper na nambibiktima ng mga Indian, timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 08:46 PM | Updated as of Jan 30 2020 01:26 PM

Watch more in iWantTFC

Naaresto nitong Martes ng umaga sa Sta. Ana, Maynila ang dalawang lalaking sangkot sa serye ng mga panghoholdap sa mga Indian.

Nilusob ng pulisya sa isang operasyon ang mga bahay ng mga suspek na sina Christian Martin at Raymond Dolot.

Ito ay matapos silang ireklamo ng isang pangkat ng mga Indian sa kanilang komunidad dahil sa panghoholdap.

Nakuhanan pa ng CCTV ng barangay noong Lunes, Sabado, at Biyernes ang dalawa na nambibiktima ng mga Indian.

Nang mahuli ay umamin din ang dalawa sa krimen.

Pinipili umano nila ang mga Indian bilang biktima dahil hindi umano nagrereklamo ang mga ito.

Nahaharap sina Dolot at Martin sa kasong robbery.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.