PatrolPH

Lalaki patay nang tagain umano ng ama sa inuman sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2023 02:38 PM

Patay ang isang 20 anyos na lalaki matapos umanong tagain ng kaniyang sariling ama habang nag-iinuman sa Mulanay, Quezon noong gabi ng Sabado.

Ayon sa Mulanay police, tinaga ng 54 anyos na suspek ang anak sa leeg habang nag-iinuman sila sa bahay sa Barangay Latangan.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-ama habang nag-iinuman bandang alas-11:30 ng gabi, dahilan para kuhanin ng suspek ang itak na ginamit sa anak.

Nakakulong ngayon ang suspek, na mahaharap sa kasong parricide.

— Ulat ni Ronilo Dagos

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.