PatrolPH

Bantag, pinalalantad ng pamilya Mabasa

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2023 09:12 PM

Watch more News on iWantTFC
Pinalalantad ng mga kaanak ng brodkaster na si Percy Lapid si dating BuCor Chief Gerald Bantag at harapin ang mga akusasyon samkaniya, 📷: Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

MAYNILA -- Hinimok ng pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Percy Lapid si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag na lumantad at harapin ang kaso.

Ito ay matapos kasuhan na si Bantag ng dating security officer nito na si Ricardo Zulueta, self-confessed gunman na si Joel Escorial at iba pang akusado kaugnay sa kasong pagpatay kay Lapid at sa umano'y middleman na si Jun Villamor.

Ayon kay Danilo Pelagio, abogado ng pamilya Mabasa, ito ay upang mapatunayan mismo ni Bantag ang nauna nitong pahayag na wala siyang kinalaman sa pagpatay sa beteranong brodkaster.

"Ang mensahe lang namin kay Bantag at iba pag akusado nqqqa harapin na lang nila 'yung kaso para magkaalaman and once and for all kung talagang kayo ay guilty o not guilty," aniya.

"There is no other way to clear his name and if he is guilty, he has to undergo imprisonment to clear his conscience," ayon naman sa tagapagsalita ng pamilya na si Atty. Toto Causing.

Sa pahayag naman ng pamilya ng binasa ni Causing, umaasa ang mga ito na agad magpapalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Bantag at iba pang mga akusado.

"First, they expect the Regional Trial Court of Las Piñas, Branch 254, would issue forthwith the Warrant of Arrest against the respondents, headed by Mr. Gerald Quitaleg Bantag, considering alone that this is a very high-profile case that is imbued with high public interest," ayon sa pahayag ng pamilya Mabasa. 

Samantala, ikinatuwa ng pamilya Magbasa ang ipinalabas na resolusyon ng Department of Justice. Gayunman, patuloy ang ginagawang pag-iingat ng mga ito habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.

"Ngayon ay relieved ang family dahil nagkaroon ng resolution, finding probable cause. The wheels of justice have started to turn... Kung sakaling maaresto yung mga akusado, puwede nang ma-arraign sila at matuloy na iyong trial, kung hindi sila magpapaaresto at magtago sila, they will be fugitives from justice," ayon kay Pelagio.

"Nasa mabuting lugar naman sila ngayon, just to make it sure, liability kasi kapag nandito sila, so we requested them to be in the safest place possible para tuloy tuloy ang laban. In a place that they cannot be reached by any danger," ayon naman kay Causing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.