PatrolPH

No. 3 most wanted ng Calabarzon timbog sa kaso umano ng rape

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2022 04:02 PM | Updated as of Mar 19 2022 04:03 PM

MAYNILA—Napasakamay na ng pulisya ang No. 3 most wanted ng Calabarzon dahil sa kaso umano ng panggagahasa.

Arestado ang 30-anyos na suspek na kinilalang si alys Robert na residente ng Barangay May-Iba, bayan ng Teresa, Rizal.

Isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong qualified rape.

Noong 2010 pa pinaghahahanap ang suspek na umano’y nanggahasa sa isang menor de edad na babae.

Si Robert ay nahaharap sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A (1) (a) ng Revised Penal Code.

Walang piyansang inirekomenda ang hukom.

Nakapiit na sa Teresa police station ang suspek at nakatakdang iharap sa husgado.—Ulat ni Reinel Pawid, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.