PatrolPH

Dugong nakitang patay sa baybayin ng Guimaras

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2021 06:25 PM

BUENAVISTA, Guimaras — Patay na nang matagpuan noong Huwebes ng mga mangingisda ang isang dugong sa Barangay Tanag sa bayan na ito. 

Ayon sa mga awtoridad, may haba na 2.7 metro at bigat na 200 kilo ang nasabing dugong.

Nagtulong-tulong ang mga mangingisda sa lugar na dalhin sa dalampasigan ang patay na dugong.

Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay kagaad na inilibing ito.

Hindi pa malaman ng awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng dugong.

—Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.