Paano makakaiwas sa online scam, 'fake news' sa gitna ng COVID-19 pandemic?

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 03:45 PM | Updated as of Mar 19 2020 04:01 PM

MAYNILA - Nanawagan ang Department of Information and Communcations Technology sa publiko na maging mapagmatiyag at mapagduda sa pribadong datos online, kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine. 

Sa isang abiso, nagbahagi sila ng mga payo kung paano mapoprotektahan ang pribadong datos sa gitna ng outbreak: 

1. Maging maingat sa mga kaduda-dudang website at applications

Paliwanag ng DICT, maaaring kuhanin ng mga online scammer ang pribadong datos sa pamamagitan ng mga ito. 

Maaari anila itong palitawin na solicitation o kaya survey tungkol sa COVID-19. 

Payo nila, tumangkilik ng mga pagkakatiwalaan na website at application. 

"Cybercriminals will do anything to obtain personal information, especially your financial and banking details," anila. 

2. Kung galing sa "unknown source," huwag buksan ang mga mensahe o kaya link. 

Ipinayo ng DICT na suriing mabuti ang mga natanggap na e-mail lalo na kung patungkol ito sa COVID-19. 

 3. Maging mapagmatiyag kontra fake news. 

Payo ng DICT na umiwas sa fake news at tumutok sa mga pagkakatiwlaan na sources kapag magbabasa ng balita tungkol sa COVID-19. 

Huwag anilang mag-share ng kaduda-dudang impormasyon para hindi na kumalat pa ang fake news.