Medical supplies store na dawit sa 'hoarding, overpricing' ng alcohol sinalakay sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 02:16 PM | Updated as of Mar 19 2020 11:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sinalakay ng mga awtoridad nitong Huwebes ang isang pamilihan ng medical supplies na sinasabing nagho-hoard at nagpapatong ng mas mataas na presyo sa alcohol sa Rizal Avenue sa Maynila. 

Ito'y sa gitna ng mataas na demand sa alcohol dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Sa bisa ng test-buy operation umano nabuking ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspek. 

Ibinebenta umano ng tindahan ang 60 ml bote ng alcohol sa presyong P80. 

Dapat nasa P17 hanggang P25 lang ang presyuhan nito, batay sa suggested retail price ng Department of Trade and Industry. 

Naglagay pa umano ng karatula ang pamilihan na wala silang alkohol pero nadiskubre na marami pang stock ang nasabing tindahan. 

Posibleng maharap sa profeteering at hoarding charges ang mga may-ari ng tindahan. 

Dati nang nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga nagbebenta ng overpriced na alcohol at iba pang hygienic products sa gitna ng pangamba sa COVID-19. -- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.