COVID-19 quarantine: Halos 82,000 mag-aaral sa Makati makakatanggap ng food packs

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 02:29 PM

Aabot sa 81,995 estudyante mula Kinder hanggang Senior High School ang makikinabang sa mga food packs na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Pasig. Photo Courtesy: My Makati Facebook page

MAYNILA - Nasa halos 82,000 mag-aaral sa Makati City ang makatatanggap ng food packs mula sa lokal na pamahalaan, sa gitna ng pagpataw ng enhanced community quarantine na nakaapekto sa hanapbuhay ng maraming pamilya sa Luzon.

 

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nasa 81,995 estudyante mula Kinder hanggang Senior High School ang makakatanggap ng food packs. Kasama aniya rito ang mga mag-aaral ng Special Education programs.

Narito ang matatangaap sa bawat bag na ibibigay:

Aabot sa 44,951 elementary students ang makikinabang sa food packs na maglalaman ng sumusunod:

  • 2 packs ng pasas
  • 5 single packs ng instant oatmeal
  • 1 keso
  • 1 kahon ng hotcake mix
  • 1 kahon ng arroz caldo mix
  • 2 kahon champorado mix
  • 1 pack ng full cream milk
  • 12 packs ng tonic food drink
  • 2 packs ng choco cereal
  • 2 packs ng biscuit
  • 2 packs ng chocolate flakes cereal
  • 10 packs ng crackers at stick biscuit
  • 10 packs ng choco bite-sized biscuit
  • 18 pirasong packs ng fruit flavored jelly

Aabot sa 37,044 high school at senior high students ang makikinabang sa food packs na maglalaman ng sumusunod:

  • 6 packs ng instant oatmeal
  • 1 tipak ng keso
  • 1 kahon hotcake mix
  • 1 kahon arroz caldo mix
  • 2 kahon champorado
  • 1 pack ng full cream milk
  • 2 solo packs ng tonic food drink
  • 10 single packs ng crackers
  • 8 packs ng instant pancit canton
  • 1 latang pineapple tidbits (maliit)
  • 1 latang pineapple juice (maliit)

Kasabay nito, hinimok ni Binay ang mga mag-aaral na manatili sa bahay at sundin ang curfew na ipinapairal para maiwasan pa ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.