ABISO: Mga isasarang kalsada sa QC dala ng 'enhanced community quarantine'

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 10:23 AM

MAYNILA - Isasara ang ilang kalsada sa Quezon City para mapaigting ng mga awtoridad ang seguridad sa ilang ospital sa gitna ng lockdown sa Luzon na ipinataw dala ng novel coronavirus (COVID-19) 

Isasara ang mga sumusunod na kalsada: 

• East Avenue, mula Elliptical Road hanggang BIR Road
• E. Rodriguez mula Trinity University of Asia hanggang Quezon City Sports Club

Ito ay para mga awtorisadong tao - mga doctor, frontline worker, at pasyente - lamang ang makakapunta sa 2 pangunahing ospital: ang St. Lukes sa E. Rodriguez at ang East Ave. Medical Center. 

Magpapakalat naman ng pulisya sa ilang parte ng Barangay Kalusugan at Barangay Tandang Sora sa pagpataw ng “extreme enhanced community quarantine” sa lugar. 

Mas papaigtingin naman ang checkpoint sa ibang barangay sa Quezon City na nakapagtala ng kahit 1 positive na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Aabot sa 29 kaso ng COVID-19 ang naitala sa ngayon sa Quezon City.

Hihigpitan din ang seguridad sa iba pang ospital na nakapalibot sa siyudad. 

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.