Kandidatong naka-preventive suspension, puwedeng tumakbo?

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2019 11:35 AM | Updated as of Mar 19 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Maaari pa rin bang tumakbo ang isang kandidatong pinatawan ng "preventive suspension" ng korte? 

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, maaari pa ring tumakbo ang nasabing opisyal habang hindi pa pinal ang hatol sa kaniya. 

"'Yan (pagbabawal sa pagtakbo ng kandidato) ay maaari lamang gawin kung may decision by final judgement, posibleng nakarating na sa Korte Suprema with finality o convicted na siya ng korte," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Martes. 

Nitong Lunes lamang ay pinatawan ng Sandiganbayan ng preventive suspension order ang isang konsehal sa Quezon City kaugnay ng pagkuha umano ng ghost employees, na paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. 

Ayon sa Local Government Code of 1991, hindi na maaaring tumakbo ang isang kandidatong nahatulan na ng korte. Ang nasabing kandidatong nahatulan ay tatakbo para sa mas mataas na posisyon sa 2019 midterm elections. 

Sa pagkakataong mahatulan ang nasabing kandidato at manalo ito sa halalan ay maaaring harangin ang kaniyang proklamasyon o mawalangbisa ang botong nakuha niya, ayon kay Del Prado. 

Gaganapin ang halalan para sa mga kakandidato sa mga lokal na posisiyon at pagkasenador sa Mayo 13.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.