6 patay sa salpukan ng van at truck sa Compostela Valley

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2019 01:51 PM | Updated as of Mar 19 2019 03:29 PM

Dead on the spot ang dalawang pasahero ng van matapos na salpukin ang isang forward truck sa bayan ng Nabunturan sa Compostela Valley. Larawan mula kay Renz Duterte Ontal

NABUNTURAN, Compostela Valley (UPDATED) – Anim ang nasawi sa salpukan ng isang pampasaherong van at forward truck sa Purok 3, Barangay New Sibonga dito sa bayan, Lunes ng hapon.

Dead on the spot sina Jackielyn Gubato at Anita Cantillas habang dead on arrival naman sa ospital sa Tagum City sina Sim Sholto Pitos, Edjohn Cantoria, at mag-asawang Fernando at Getrudes Catiil.

Ayon sa pulisya, 15 ang sakay ng van, kabilang ang drayber.

Biglang pumreno ang drayber ng van sa pakurbadang kalsada sa Barangay New Sibonga pero dahil basa ang kalsada, nagpagewang-gewang ang van at nabangga sa kasalubong na truck, base sa imbestigasyon.

Ayon sa van driver na si Rogelio Gallenero, nadulas ang gulong ng kaniyang saskayan at hindi niya nakontrol ang manibela.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na kolorum ang van na gamit ni Gallenero.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang 2 drayber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.