Pulis, 2 pa tiklo sa drug bust

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2018 08:36 AM

MANILA - Inaresto ang isang pulis at 2 iba pa matapos magbenta ng pakete ng shabu sa mga undercover na operatiba sa Cubao, Quezon City nitong Linggo ng gabi.

May ranggong police officer 2 ang naarestong pulis na nakatalaga sa Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.

Kabilang sa kaniyang mga kasamahan ang isang retiradong pulis at isang sibilyan.

Una nang nailagay sa watch list ang mga suspek dahil sa pagbebenta umano ng bawal na gamot, kadalasan sa mga call center agent, sabi ni Supt. Luis Benjie Tremor, commander ng Quezon City police station 7.

"Masakit man sa atin, kabaro natin 'yan, pero sila yung sumisira ng imahe ng PNP. Ito 'yung mga anay ng PNP," ani Tremor.

Umabot sa 19 na sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek na tinatayang nasa 20,000 pesos ang halaga.

Ulat nina Dennis Datu at Arra Perez, ABS CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.