Isa pang bangkay, natagpuan sa sunog na bahagi ng Manila Pavilion hotel

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2018 01:53 AM | Updated as of Dec 05 2018 09:24 AM

Isa pang bangkay ang natagpuan ng mga bumbero sa ikalimang palapag ng nasunog na bahagi ng Waterfront Manila Pavillion Hotel and Casino sa Maynila.

Bandang 12:40 a.m. Lunes ng madaling araw nang makita ang bangkay sa loob ng hotel.

Nailabas ito bandang 1:30 ng umaga.

Tatlong tao ang naunang naiulat na namatay sa sunog.

Hindi pa malinaw kung paano nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng umaga, pero na-contain na ito sa pangalawang palapag ng hotel, sabi sa DZMM ni Insp. Crossid Cante, operations chief ng Bureau of Fire Protection-Manila. 

May nagwe-welding sa naturang palapag na under renovation, ayon sa ilang empleyado. Bahagi ng casino ang ground at second floor, na mayroon ding ilang restaurant.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.