400 pasahero ng MRT, pinababa dahil sa sirang pinto

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2018 08:55 PM | Updated as of Dec 06 2018 12:16 PM

Muli na namang nagpababa ng pasahero ang MRT nang masira ang pinto isa nitong tren Lunes bandang alas-8:03 ng gabi. 

Ayon sa Department of Transportation, aabot sa 400 pasahero ang pinababa sa southbound ng Magallanes Station. 

May dumating naman umano sa estasyon na panibagong tren matapos ang tatlong minuto para isakay ang mga pasahero.

Nagkaroon umano ng problema sa pinto ng tren na maaaring dahil sa pagsandal dito o pagpilit na buksan ito.

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng MRT na huwag sandalan ang mga pinto o kaya ay huwag itong piliting buksan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.