Kontaminadong karne, kinumpiska sa QC

Angel Movido, ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2017 09:14 AM | Updated as of Mar 19 2017 10:11 AM

Kinumpiska ng Quezon City Veterinary Office ang 70-80 kilong kontamindong karne mula sa dalawang bahay sa Brgy. Sto. Domingo.

Nakatanggap ng report ang mga otoridad na may ilang residente na ilegal na ginagawang katayan ng baboy ang mga bahay.

Nakumpiska ang kilo-kilong kontaminadong karne sa bahay ni Juanita Caraig.

Ayon kay Dr. Anna Marie Cabel ng QC Veterinary Office, kung magbebenta ng mga karne sa ibang lugar o labas ng palengke dapat may maipakitang meat inspection certificate ang may ari o tindero.

Wala namang maipakitang certificate o anumang permit si Caraig sa mga otoridad.

Napag alaman pa na may tatlong baboy pa siya sa loob ng bahay na galing Bulacan at handa na sanang katayin.

Sinabi ni Cabel na labag sa batas ang gawain ni Caraig dahil kailangan may meat inspector tuwing magkakatay ng baboy at pinapayagan lamang ito sa mga otorisadong slaughterhouse.