Retrator mula sa Bureau of Customs.
MAYNILA - Aabot sa P120 milyong halaga ng umano'y smuggled na poultry at seafood products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Navotas nitong Biyernes.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nakuha ang umano'y smuggled products matapos ang raid sa 7 cold storage facilities.
Galing umano sa China ang karamihan sa mga frozen seafood.
Galing naman sa Brazil at Australia ang umano'y smuggled na beef at galing naan umano sa United States at Russia ang pork products.
Kabilang sa mga nasabat na produkto ang mga sumusunod: frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, balone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.
Magsasagawa ng inventory ang mga awtoridad, at ipapatawag nila ang mga may-ari ng mga frozen gods na magpresenta ng importation documents o patunay na hindi smuggled ang mga produkto.
Papatawan umano ng karampatang kaso ang mga may-ari kung mapatunayang wala silang kaukulang mga dokumento.