PatrolPH

Milyun-milyong halaga ng ari-arian naabo sa 2 sunog sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2023 05:39 PM

Tinupok ng apoy ang 31 bahay sa magkasunod na araw na sunog sa Brgy. Jalandoni Estate, Lapuz, Iloilo City nitong Biyernes at Brgy. Rizal, Lapuz, Iloilo City, nitong Sabado.

Sa drone video na kuha ni AL Murillo makikita ang makapal na usok na nagmula sa mga nasusunog bahay sa Brgy. Jalandoni, at Brgy. Rizal.

Sa imbestigasyon ng Iloilo City BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga nasunog ay gawa sa light materials.

Batay sa CSWDO Iloilo City, 17 bahay ang nasunog sa Brgy. Jalandoni Estate, Lapuz, Iloilo City, habang 14 na bahay naman ang nasunog sa Brgy. Rizal, Lapuz, Iloilo, City.

Umabot sa higit P2 milyon na halaga ng ari-arian ang nasunog.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Iloilo City BFP sa sanhi ng sunog.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.