MAYNILA - Isinagawa ngayong Sabado ang kauna-unahang Female Fire Olympics ng Bureau of Fire Protection-Manila sa Quirino Grandstand bilang pagdiriwang ng Women’s Month at Fire Prevention Month.
Magtutunggali ang mga kababaihan mula sa iba-ibang sektor at mga ahensya tulad ng BFP, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard at Volunteer Fire Brigades Manila.
Kabilang sa mga laro ay bucket relay at tug-of-war, na may kinalaman sa pagresponde nila sa sunog.
Layunin ng olympics na mai-angat ang kaalaman sa Basic Fire Safety techniques at magbigay-pugay sa mga kababaihang naglilingkod sa oras ng sakuna.
“Fire Prevention Month and Women’s Month, so timing siya. Bakit ‘Unified’? Ini-incorporate natin yung ibang public safety sectors natin dito… and they will work as a team, they will be unified to form a team. Kasi, in case of fire and other emergencies, kailangan we should work as a team,” sabi ni SSupt. Christine Doctor-Cula, ang kauna-unahang babaeng Manila District Fire Marshal.
“Here, they will showcase their capabilities, yung natutunan nila on fire safety and fire suppression,” dagdag niya.
Pinangunahan ni SSupt. Christine Doctor-Cula, ang kauna-unahang babaeng District Fire Marshal ng Manila, ang lighting of torch para sa Female Fire Olympics sa Quirino Grandstand ngayong Sabado, ika-18 ng Marso 2023. Karen de Guzman, ABS-CBN News
Bilang pinakaunang babaeng hepe ng BFP Manila, ito naman ang mensahe ni Cula sa mga kapwa niya babae ngayong Women’s Month: “Showing a female version naman ng mga panlalaking activities, ito pinapatunayan na kaya naman natin, kaya nating sumabay, na pwede tayong mag-excel in areas na dati ay dominated ng mga lalaki.”
“Yung women empowerment, ito, it’s equality na. Yung equality na ‘to, we showcase our capabilities the same way that they (men) can,” dagdag niya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.