Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos speaks during a meeting with media practitioners held at Camp Crame in Quezon City on October 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA — Umapela ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga barangay na tulungan ang ahensiya na paigtingin ang programa nito kontra drogra.
Sa isang pahayag ngayong Sabado, sinabi ni Interior Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. na dapat gamitin ng mga barangay ang Barangay Assembly Days ngayong Marso para talakayin ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
"Gamitin natin ang makabuluhang pagtitipon na ito upang tulungan ang buong pamahalaan para mapababa ang demand sa iligal na droga at sisimulan natin 'yan sa ating mga pamayanan," ani Abalos.
"Hiling natin na tulungan tayo ng ating mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na BIDA activities," dagdag niya.
Layon ng BIDA Program ng DILG na pababain ang demand ng ilegal na droga sa tulong ng mga komunidad.
Matatandaang sinabi ni Abalos na ang war on drugs ng Marcos administration ay nakaangkla batay sa karapatang pantao at Konstitusyon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.