PatrolPH

Bilang ng mga na-cull na baboy sa Maasin, pumalo na sa 116

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2022 04:36 PM

Pumalo na sa 116 ang bilang ng mga baboy na isinailalim sa depopulation sa Maasin, Southern Leyte, dahil sa banta ng African Swine Fever. 

Ito ay matapos ilibing pa ang aabot sa 39 na baboy sa Barangay Nasaug at Barangay Saro-Saro. 

Isinailalim din sa granular lockdown ang Brgy. Canturing sa nasabing siyudad matapos na magpositibo ang mga baboy sa rapid antigen test.

Pinayuhan na ng lokal na pamunuan ng Maasin City ang mga residente at mga barangay officials na magtulungan para madaling makontrol ang pagkalat ng ASF sa mga baboy sa siyudad.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.