PatrolPH

Nakaw na cellphone, nabili ng may-ari sa social media; suspek arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 03:53 AM

Nakaw na cellphone, nabili ng may-ari sa social media; suspek arestado 1
Tagum City PNP

Arestado ang isang lalaki matapos umanong magbenta ng nakaw na cellphone sa social media sa Tagum City, Davao del Norte nitong Lunes.

Ito'y matapos ini-report ng isang biktima sa pulisya noong Linggo na pwersahang kinuha sa kaniya ang kaniyang cellphone.

Nadiskubre ng biktima na ibinibenta na ang kaniyang cellphone sa isang Facebook group na "Tagum Online Business", kaya siya humingi ng saklolo sa mga awtoridad.

Sinubukan ng biktima na makipagtransaksyon sa nagbenta at nagkunwaring bibilhin ang cellphone, pero entrapment operation na pala ito ng pulisya.

Naibalik sa biktima ang nakaw na cellphone at positibong nakilala ang suspek.

Haharap ang suspek ng paglabag sa Presidential Decree 1612 o Anti-Fencing Law of 1979.--Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.