PatrolPH

Barangay hall sa bayan sa Iloilo, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 07:29 PM | Updated as of Mar 18 2021 07:30 PM

Mario Gelongo/ Aksyon Radyo Iloilo.

Sumiklab ang apoy sa barangay hall ng Purok III sa bayan ng Pavia sa Iloilo, Miyerkoles ng gabi.

Alas-11:55 ng gabi nagsimula ang sunog, na ayon sa awtoridad ay posibleng nag-umpisa sa kable ng kuryente.

Bago ang insidente, may isa umanong residente na nakatira malapit sa barangay hall ang nakaamoy ng nasusunog na kuryente.

Siniyasat niya ito kasama ang ama at nakita nilang umuusok at nasusunog na ang barangay hall.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog.

Kaagad namang rumesponde ang Pavia Bureau of Fire Protection at tumulong din sa pag-apula ng apoy ang ilang residente.

Tinatayang aabot sa higit P500,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog. 

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.