BUTUAN CITY - Naaresto ang isang 54-anyos na miyembro umano ng komunistang grupo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Rajah Humabon, Butuan Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa mga awtoridad, miyembro ng Katipunan ng Gurong Makabayan ang suspek na si "Lai", na assistant principal ng isang paaralan sa Butuan.
Base sa imbestigasyon, sangkot umano ang suspek sa pag-atake at pagbaril sa isang Private First Cpl. Junrel Cornelio at CAFGU Active Auxiliary Emiliano Sajol, Jr., na kapwa miyembro ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army habang nagsasagawa ng combat patrol operation sa Sitio Manhupaw, Brgy. Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte noong Nobyembre 21, 2020.
Ito ang naging batayan sa inilabas na warrant of arrest for attempted homicide laban sa kay Lai.
Sa impormasyon na binigay ng PRO-13, si Lai ay pinuno ng Regional Urban Committee (RUC), Regional White Area Committee (RWAC), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) at nasa listahan ng "CTG Priority Target" ng Caraga PNP.
Lumabas din sa intelligence report na kabilang siya sa pag-rerecruit ng mga kabataan at mga estudyante maging miyembro ng New People's Army.--Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan
MULA SA ARKIBO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Butuan, CTG, communist terrorist group, attempted homicide, NPA, Regional news ,Tagalog news