PatrolPH

2 drug den sa Angeles City, sinalakay; 17 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 12:54 AM

Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at ang mga pulis ang dalawang drug den sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes.

Sa unang operasyon, huli ang 7 suspek at nakuha sa kanila 15 gramong dami ng shabu na nasa P102,000 ang halaga.

Sa kasunod na operasyon, 10 suspek naman ang naaresto. Nasa 10 gramo naman ang dami ng shabu na nakuha sa mga suspek na may estimated street value na P68,000.

Kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165, ang 17 suspek na nahuli.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.