PatrolPH

12 positibo sa 1,095 na na-swab test mula sa Pasay City public market

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2021 06:28 PM


MAYNILA — Umabot sa 1,095 na market personnel at stall owners ang naipa-swab test ng Pasay City mula Marso 11 hanggang 16, kung saan 12 ang natuklasang positibo sa COVID-19. 

Sabi ng Pasay City LGU, agad in-isolate ang mga nagpositibong indibidwal.

Tatlong beses kada araw dini-disinfect ang palengke para masigurong ligtas ang mga mamimili sa COVID-19. 

Ayon sa mga tindera, mahina ang bentahan at pakiramdam umano nila ay walang pera ang mga mamimili. 

Sabi pa ng isang vendor, istrikto sila sa pagsunod sa health protocols dahil sa bantang ipasasara sila ng lokal na pamahalaan. 

"Kami dito may social distancing, pag sinabi ng gobyerno, ginagawa namin kasi pag di namin pinatupad yan pinapasara ang aming tindahan," sabi ni alyas "Auring," isang vendor sa palengke. 

Sa huling tala ng Pasay City LGU, umabot na sa 877 ang active cases matapos makapagtala ng 97 panibagong kaso. 


—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.