Quarantine pass policy ipinatupad sa barangay sa CamSur | ABS-CBN
News
Quarantine pass policy ipinatupad sa barangay sa CamSur

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Mar 18, 2020 03:31 PM PHT
Isang barangay sa bayan ng Canaman, Camarines Sur ang nagpamigay ng "quarantine pass" sa bawat bahay para ma-kontrol ang paglabas ng mga tao sa gitna ng pinaiiral na lockdown sa Luzon.

Ayon kay Jay Salcedo, barangay chairman ng Sta. Cruz na may 2,000 ang populasyon, hindi maaaring mapeke ang quarantine pass dahil may dry seal ito at control number.

"Hindi po ako naglagay ng signature kasi maraming gumagaya, pwedeng i-xerox, i-photocopy. Yung blue na thumbmark, pwede siya ma copy. Ginawa ko, dry seal kasi kapain mo lang, original. Pag wala. Fake," aniya.

"From time to time sasabihin ko sa mga lumalabas, [sabi nila] bibili lang. Minsan, joke-joke lang nila. Eh napapagod ako, so mag-isip ako ng bagay o sistema, policy na pwede naming ma-control ang tao."

ADVERTISEMENT
Nakasaad sa home quarantine pass na ang pwede lamang lumabas ay ang mga bibili ng gamot o pagkain.

Ang mga mahuhuli na walang pass, magkaka-record sa barangay bilang violator. Mahigit 20 na ang lumabag sa polisiya simula Martes ng gabi.

Barangay officials ang nagbabantay sa lansangan sa umaga, habang mga tanod naman sa gabi.

Read More:
Tagalog news
regional news
Camarines Sur
quarantine pass
Luzon lockdown
home quarantine
COVID-19
coronavirus
COVID
coronavirus Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT