Lalaki nakuhanan ng P4-M ‘shabu’ sa Taguig checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2020 12:52 PM

Arestado ang isang lalaki matapos siyang makuhanan ng P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig City noong madaling araw ng Miyerkoles, ayon sa pulisya.

Naharang ang 29 anyos na suspek sa may checkpoint sa kanto ng Maharlika Road at A. Bonifacio Avenue sa Barangay Upper Bicutan bandang alas-3 ng madaling araw, ayon sa ulat National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakuha sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 600 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P4,080,000.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

ikinadismaya naman ni NCRPO Director Police Maj. Debold Sinas na may mga tao pa ring nagsasagawa ng mga ilegal na aktibidad sa kabila ng peligrong dulot ng pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

“It is indeed disappointing that despite the danger caused by COVID-19, there are still people who are taking advantage of the situation to do their illegal activities,” ani Sinas sa isang pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.