MAYNILA - Magpapamahagi ng mga pagkain at groceries ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa nasa 200,000 pamilyang apektado ng community quarantine sa lungsod, ayon sa alkaldeng si Joy Belmonte.
Sa text message sa ABS-CBN News, sinabi niyang posibleng sisimulan ang pamimigay nito sa Biyernes.
Pero sa ngayon, inaasahan ng lokal na pamahalaan na gamitin ng mga barangay ang kanilang quick response fund dahil posibleng magtagal ang procurement process o pagkuha ng mga ibibigay na pagkain.
"We will begin later this week (maybe Friday). In the interim the barangays using their quick response fund are expected to take care of their food needs first since it takes time to procure food for 200,000," ani Belmonte.
Tatagal ang pamamahagi ng pagkain hanggang matapos ang quarantine. ayon kay Belmonte.
Umaasa rin ang lokal na pamahalaan na mabibigyan ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development.
Samantala, nagpapatuloy na raw ang pamamahagi nila ng health kits para sa nasa 100,000 indigent na pamilya sa buong lungsod.
Naglalaman umano ang mga ito ng vitamins, disinfectant gaya ng alcohol at bleach, sabon, at face masks.
-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, food packs, pagkain, relief operations, Joy Belmonte, Quezon City, food packs Quezon City, DSWD, food, groceries