PatrolPH

Tren ng MRT-3, umusok, nagliyab sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2019 06:26 PM | Updated as of Mar 19 2019 01:35 AM

Tren ng MRT-3, umusok, nagliyab sa QC 1
Pinababa at napilitang maglakad sa gilid ng riles ng tren ang mga pasahero ng MRT matapos umusok ang isang bahagi ng tren, Lunes ng hapon. Retrato mula kay Edwin Tuyay

MAYNILA (UPDATED) - Nagkaaberya ang tren ng MRT-3 Lunes ng hapon.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), nangyari ang pag-usok ng tren bandang 6:02 ng gabi habang nasa pagitan ng Cubao at Santolan station.

Agad na pinababa ang mga pasahero at inalalayan ng security personel ng MRT-3.

Watch more on iWantTFC

Papuntang Makati ang tren at kakaalis lamang ng Cubao Station nang umusok ito.

Naibalik sa ayos ang biyahe ng mga tren bandang 6:35 ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan MRT-3 ang insidente.

Watch more on iWantTFC


Video mula kay Idonna Lubreza Cazeñas

--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.