PatrolPH

2 pawikan, nailigtas sa Tagum City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2019 07:28 PM

2 pawikan, nailigtas sa Tagum City 1

TAGUM CITY- Nailigtas ng mga mangingisda sa Barangay Busaon sa lungsod na ito ang dalawang pawikan na nakulong sa bungsod o fish corral.

Unang nailigtas ang isang lalaking green sea turtle na may 5 kilo ang bigat nitong Marso 14.

Sunod namang nailigtas ang isang babaeng pawikan na may 11 kilo ang timbang nitong Marso 16.

Ayon sa City Environment and Natural Resources Office, maaring napadpad ang mga pawikan sa bungsod dahil kinakain nito ang mga maliliit na isda na makikita sa loob ng fish corral.

Lunes ng umaga nang sabay na pinakawalan ang mga pawikan sa dagat.

"Kailangan natin sila pakawalan para makabalik sila sa kanilang natural habitat," ani Vivian Bahalla, hepe ng CENRO

Nitong Marso 6, nailigtas rin ng mga mangingisda ang isang olive ridley sea turtle at matapos ang isang araw ay pinakawalan rin nila ito.

Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Tagum City sa mga mangingisda sa lugar sa pagligtas at pag-report agad sa mga nakukulong na pawikan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.