MAYNILA (UPDATED) -- Dalawa ang patay sa pagsabog sa isang residential area sa bayan ng Santo Tomas, Batangas ngayong Lunes, ayon sa pulisya.
Mag-asawa ang nasawi sa pagsabog sa isang bahay sa Barangay San Roque habang nasugatan naman ang kanilang 5 taong gulang na anak, ayon kay Police Brig. Gen. Edward Carranza, hepe ng Calabarzon police.
Lumabas sa imbestigasyon na kunwari umano ay tindahan ng ukay-ukay ang bahay pero pagawaan pala talaga ng blasting caps, na ginagamit sa ilegal na pangingisda at pagmimina.
Hindi pa matukoy kung bakit nagkaroon ng pagsabog, ayon kay Carranza.
Malapit lang ang bahay na pinangyarihan ng pagsabog sa isa pang bahay na natunton ng mga pulis na may mga sangkap sa paggawa ng mga pampasabog.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, Batangas, pagsabog, explosion, Santo Tomas, TV Patrol, TV Patrol Top, Dennis Datu