Transport strike ng PISTON sa Lunes, tuloy

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 11:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Tuloy ang transport strike ng grupong PISTON sa Lunes, bilang pagkontra sa jeepney modernization program ng pamahalaan. 

Ibig sabihin, mula hatinggabi mamaya, hindi na papasada ang mga drayber na miyembro ng PISTON. May nakakasang rally din ang grupo alas-6 ng umaga bukas. 

Sentro ng rally ang Aurora Boulevard sa Cubao pero meron ding mga aktibidades sa Alabang, Monumento, Novaliches Bayan, at sa Anda Circle sa Maynila.

Partikular na tinututulan ng PISTON ang umano'y phaseout ng mga jeepney para ipasok ang anila'y overpriced e-jeep units na hindi kaya ng bulsa ng mga ordinaryong tsuper at operator.

Iginiit naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) member Aileen Lizada na modernisasyon, hindi phaseout, ang kanilang gagawin.

-- ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News