Sunog sumiklab sa gusali sa Paco, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 10:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sumiklab ang apoy sa isang residential-commercial building sa Barangay 682 sa Paco, Linggo ng hapon. 

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali bandang alas-3:55 ng hapon. 

Mula umano ito sa unit na inuupahan ni Axcel Tipon. Pag-aari ang unit ng isang Rodriguez family.

Nadamay ang 2 katabing unit ng apartment, kabilang ang opisina ng isang manpower agency. 

Tuluyang naapula ang sunog alas-4:40 ng hapon. Walang naitalang nasaktan sa insidente. 

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng apoy at halaga ng natupok na ariarian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.