'Snatcher' huli sa EDSA-Cubao

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 08:15 AM | Updated as of Mar 18 2018 08:19 AM

MANILA - Kalaboso ang isang lalaki matapos umanong mang-snatch ng cellphone sa loob ng isang bus sa EDSA corner Aurora Blvd, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Glen, 19 anyos. Kwento ng babaeng biktima, nakasakay siya sa bus hawak ang kanyang cellphone nang hablutin ito ng suspek na nagpanggap na pasahero.

Tiyempo namang nakahinto ang bus dahil sa traffic light kaya naman agad na nakababa ang suspek, pero hinabol siya ng biktima.

Dahil sa komosyon, naalarma ang ilang tao sa lugar at hinarangan ang suspek sa tapat ng isang bus terminal.

Agad itong dinampot ng mga pulis na nakaantabay rin sa lugar.

Ayon sa QCPD Station 10, itinanggi ni Glen na siya ang nang-snatch ng cellphone, pero positibo naman itong kinilala ng biktima.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi, inamin ng suspek na may pinagpasahan siya ng cellphone ng biktima kaya't hindi na rin nabawi ang cellphone.

Mahaharap ang suspek sa kasong robbery.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.