Lalaki, arestado sa pagpatay umano sa 'nambastos' sa anak

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 04:25 PM | Updated as of Jan 28 2020 04:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ng mga awtoridad ang isang ama sa Laguna na nagtago matapos umanong patayin ang isang lalaking nambastos umano sa kaniyang anak na babae.

Natunton noong Biyernes sa Barangay Malamig, San Pablo ang suspek na si Melvin Añonuevo na itinuturong pumatay sa biktimang si Esteve Belen noong nakaraang araw sa karatig-bayan ng Bay.

Binawian ng buhay si Belen matapos umanong saksakin ni Añonuevo sa kaliwang dibdib habang nag-iinuman ang dalawa, batay sa imbestigasyon.

Mayroon umanong sama ng loob si Añonuevo kay Belen dahil ilang beses na umano nitong binastos ang dalagang anak ng suspek.

"Sinarili niya lang para 'di na lumaki 'yong problema pero dinamdam, nagtanim ng sama ng loob," sabi ni Chief Inspector Jojo Sabeniano, hepe ng Bay police.

Mas mainam, ani Sabeniano, na ipagbigay alam sa mga awtoridad kung may problema para maiwasan ang mas malaking gulo.

"Sana nagreklamo, idinaan sa proseso sa barangay para nagkaharap, para makuha 'yong side ng biktima," dagdag ni Sabeniano.

Nahaharap sa kasong murder si Añonuevo.-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.