3 patay sa sunog sa bahagi ng Manila Pavilion hotel

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2018 10:34 AM | Updated as of Jan 28 2020 02:37 PM

Smoke engulfs the burning Manila Pavilion hotel and casino on Sunday. Joselito H. Sepe

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

MANILA - (5th UPDATE) Patay ang 3 tao sa sunog sa bahagi ng Waterfront Manila Pavillon Hotel and Casino sa UN Avenue sa Ermita, Maynila ngayong Linggo.

Unang napaulat na 4 ang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital, kabilang ang isang security guard, ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC).

Pero ayon kay Jojo Garcia, general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isa sa apat na napaulat na dead on arrival ay na-revive ng mga doktor.

"Apat ang dead on arrival, pero na-revive 'yung isa. So we give credit also to the doctors," ani Garcia sa isang press conference Linggo ng hapon. 

Watch more in iWantTFC

Unang sinabi ni Johnny Yu, direktor ng Manila DRRMC na may 19 hanggang 20 umanong na-trap sa ikalimang palapag ng gusali. Pero may komunikasyon na aniya sa mga rescuer ang mga ito. 

"They are now creating a team para i-penetrate ang 5th floor," sabi ni Yu sa DZMM Teleradyo. "Buhay naman lahat, so far." 

Hindi pa malinaw kung paano nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng umaga, pero na-contain na ito sa pangalawang palapag ng hotel, sabi sa DZMM ni Insp. Crossid Cante, operations chief ng Bureau of Fire Protection-Manila. 

May nagwe-welding sa naturang palapag na under renovation, ayon sa ilang empleyado. Bahagi ng casino ang ground at second floor, na mayroon ding ilang restaurant. 

Isinugod sa ospital ang 4 na katao na posibleng nahirapang huminga dahil sa usok, sabi ni Cante.

Hindi pa kinukumpirma ng BFP kung may na-trap sa nasusunog na gusali. 

Tiniyak naman ng pamunuan ng Manila Pavilion na may mga inilatag na itong hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at bisita. 

Anila, maglalabas sila ng report kapag natapos na ang imbestigasyon sa insidente. 

Kanina, itinaas na din ang sunog sa Task Force Bravo, na nangangahuluhang kailangan rumesponde ng mga fire truck mula sa mga kalapit na bayan. 

Pinayuhan ng BFP ang mga motorista na iwasang dumaan sa UN Avenue at katabing Maria Orosa Street. 

Operational naman ang kalapit na Taft Avenue station ng LRT-1, bagamat naabot ito ng usok mula sa hotel. 

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC

Ulat nina David Dizon at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.