5 patay sa paghain ng search warrant sa Arayat

Kate Cunanan, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2017 08:27 AM

Nauwi sa madugong engkwentro ang dapat sana'y paghahain lang ng search warrant na pinangunahan ng provincial intelligence branch ng Pampanga Police Provincial Office.

Target ng search warrant ang mga lalaking nakilalang sina Jack Pineda at Melvin Guevarra, kapitan ng barangay Cupang, Arayat.

Kabilang sila sa mga napatay kasama ang tatlo pa na kinilalang sina Aldrin Luris, Fermin Batu, at isang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon sa mga pulis, hinihinalang myembro umano sila ng gun-for-hire group.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.