Nag-deploy ang Philippine Coast Guard deploy ng oil spill boom at skimmer sa lugar kung saan hinihinalang lumubog ang tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, Marso 14, 2023. Larawan mula sa Malayan Towage and Salvage Corporation/Philippine Coast Guard
MAYNILA - Nananatiling sapat ang suplay ng isda sa mga palengke at pamilihan sa bansa sa kabila ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources spokesperson Nazario Briguera, marami pang alternatibong pinagkukuhanan ng lokal na suplay ng isda kaya normal pa ang presyuhan nito sa palengke.
Sa datos ng BFAR, lumalabas na 3 porsiyento ng kabuuang produksyon ng isda sa Mimaropa ay galing sa Oriental Mindoro, kung saan nangyari ang oil spill.
"Sa ngayon di pa nakikita yung shortage sa national scale but we need to recognize na just because of the oil spill posibleng magkaroon ng limitadong supply sa immediate area ng oil spill," ani Briguera.
Pero mas ikinababahala nila ngayon ang mga posibleng epekto nito sa marine wildlife.
"Ang ipinag-aalala kasi natin nito yung long term effects kasi ang tinamaan nito ay marine habitat like mangroves, mga coral reef so fatal sya sa fish larvae at itlog ng isda yung kontaminasyon mula sa oil spill," aniya.
"Following the law of supply and demand lalo na sa areas malapit sa Oriental Mindoro at pag naging limitado ang supply nito ay posibleng sumipa ang presyo."
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.