PatrolPH

ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila Mar. 17-20

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2023 03:19 PM

Magsasagawa ng pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways simula alas-11 ng gabi ng Marso 17 hanggang Marso 20.

Apektado ang mga sumusunod na kalsada: 

  1. EDSA Northbound (innermost lane) sa pagitan ng Ayala Avenue at Buendia Avenue, Makati City
  2. EDSA Northbound Mahal Kita Hotel hanggang Taft Avenue
  3. C-5 Service Road, Bagong Ilog sa harap ng M.I.H. Building, Pasig City
  4. C-5 Road sa pagitan ng Lanuza at Canley Road, Pasig City
  5. Commonwealth Avenue 1st lane mula sa MRT 7

Magtatagal ang pagkukumpuni mula alas-11 ng gabi ng Marso 17 hanggang alas-5 ng madaling araw ng Marso 20, Lunes. 

Payo ng mga awtoridad na gumamit ng alternatibong ruta ang mga motorista. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.