PatrolPH

NEDA: Pondo kulang para bigyan ng sapat na ayuda ang lahat

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2022 01:12 AM | Updated as of Mar 17 2022 01:23 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nagdesisyon ang gobyernong magbigay ng P200 buwanang ayuda sa mga mahihirap dahil kulang umano ang resources ng bansa na magbigay ng sapat na subsidiya sa lahat sa harap ng patuloy na oil price hike.

Ayon kay Nerissa Esguerra, director ng National Economic And Development development information staff, ibibigay ang ayuda kung saan ang pinaka-apektado ng oil price hike.

Aniya, nagkaroon ng pag-aaral ang Department of Finance kung magkano ang kayang ibigay na ayuda bago nagdesisyon ang gobyerno na P200 ang magiging buwanang subsidiya para sa mga mahihirap.

Hindi umano makakapaglabas ng budget ang gobyerno para sa ayuda kung hindi ito kabilang sa General Appropriations Act.—SRO, TeleRadyo, Marso 16, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.