PatrolPH

2 patay sa engkwentro ng militar, mga rebelde sa Camarines Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2022 09:49 PM

Isang sundalo at isang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) ang nasawi sa nangyaring bakbakan sa Barangay Kanapawan, Labo, Camarines Norte dakong alas-7 ng umaga Miyerkoles.

Sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nasa 15 hinihinalang rebelde ang naka-engkwentro ng mga militar at pulis sa lugar matapos ang isinagawang combat at security operation kasunod ng sumbong ng mga residente.

Kinilala ni Lt. Col. Cleto Lelina Jr., commander ng 9th Infantry Battalion. ang kabayanihang ginawa ng namayapang sundalo.

Nagpapasalamat ang Army sa pakikipagtulungan ng komunidad. - ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.