Kuha ng Marawi PNP
Higit P2.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Rapasun, Marawi City nitong Martes.
Ayon sa pulisya, nagkasa sila ng naturang operasyon laban sa isang high-value target at sa 3 iba pa sa loob ng restaurant ng isang unibersidad sa lugar.
Nang magpositibo sa droga, hinuli ang suspek at ang mga kasama niya na kapwa empleyado ng gobyerno. Nakatakas naman ang isa pang suspek.
Ayon sa mga awtoridad, may paupahang mga kwarto ang restaurant at ginawang drug den umano ang mga ito. Karamihan umano sa mga parokyano ng suspek ay mga estudyante sa unibersidad.
Bukod sa ilegal na droga, isang baril at magazine ng bala din ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Kakasuhan ng paglabag ng Republic Act (RA) 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms ang mga suspek.--Ulat ni Roxanne Arevalo
MULA SA ARKIBO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
shabu, illegal drugs, droga, buybust, PNP, Marawi, Lanao del Sur, Regional news, Tagalog news