PatrolPH

Higit P100,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2021 02:15 AM

Higit P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nasa 5 sachet ng naturang kontrabando ang nasamsam mula kay Raymond "Dagis" Viscaino sa Brgy. Capaya 2.

Nasa watchlist umano ng mga drug personality si Viscaino.

Kinasuhan na ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.