PatrolPH

70 pasahero ng nagkaaberyang bangka sa Surigao del Norte, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2021 05:20 PM

70 pasahero ng nagkaaberyang bangka sa Surigao del Norte, nasagip 1
Rumesponde ang Philippine Coast Guard station sa Siargao sa nagkaaberyang M/V Vince Gabriel III. Ligtas naman ang 70 pasahero nito at nahila na pabalik ng Dapa port ang sasakyang pandagat. Larawan mula sa Philippine Coast Guard-Siargao

Nasagip ng mga kawani ng Philippine Coast Guard Station sa Siargao ang 70 pasaherong sakay ng nagkaaberyang motorized bangka sa dagat na bahagi ng Barangay Cambas-ac sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte, Miyerkoles ng umaga.

Base sa ulat, nasira ang engine exhaust pipe ng M/V Vince Gabriel III na naging dahilan ng matinding usok sa loob ng vessel.

Ayon kay Ensign Roden Aloc, officer-in-charge ng Coast Guard station sa Siargao, papuntang Surigao City ang MV Vince Gabriel III nang masira ang exhaust pipe nito. 

Agad nila itong hinila pabalik ng Dapa Port.

- Ulat ni Charmane Awitan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.