CULASI, Antique — Naospital ang 7 katao sa Barangay Flores sa bayan na ito noong Martes matapos lagyan umano ng Zinc Phosphide o lason sa daga ang kanilang inuming tubig.
Sa imbestigasyon ng Culasi police, ni-report sa kanilang istasyon na may isang tao umano ang naglagay ng lason sa tubo na nakakonekta sa spring water, na siya namang kinukuhanan ng inuming tubig ng mga nabiktima.
Kaagad na rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Culasi at dinala sa ospital ang mga biktima matapos makainom ng tubig na may lason.
Mayroon nang person of interest ang mga awtoridad sa nasabing panlalason habang patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo sa krimen.
Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga biktima matapos sumama ang kanilang pakiramdam.
— Ulat ni Rolen Escaniel
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, rehiyon, region, regional news, regional, Culasi, Antique, lason, lason sa daga, tubig, krimen