50 minomonitor sa Iligan City; 3 nakitaan ng sintomas ng COVID-19

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 05:54 AM

Minomonitor ngayon sa Iligan City ang 50 katao kung saan tatlo rito ay nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at naka-home quarantine na nitong Lunes.

Kasunod nito ay nagdeklara si Mayor Celso Regenci ng community quarantine. 

Naglagay din ng checkpoints sa lahat ng entry at exit points ng lungsod kung saan kinukuha ng mga pulis ang pangalan at travel history ng lahat ng dumadaan. 

Maiiwan sa checkpoint ang mga may lagnat hanggang sa matignan ng emergency response team.

Ipinag-utos din ang social distancing, paglilista nga pasahero ng mga transport companies, pagliban ng operations nga amusement and entertainment hanggang nahaharap pa ang buong bansa sa krisis.

Nakapagtala na ng 142 kaso ng COVID-19 sa buong bansa; 12 ang namatay at 3 nakarekober na sa sakit, ayon sa Department of Health.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.