Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 5 anyos, arestado sa Sultan Kudarat

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 12:28 AM

Naaresto nitong Biyernes ang itinuturong suspek sa panggagahasa at paglunod sa 5-anyos na babae sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Nahuli si Erlie Castro sa Barangay Maguid matapos maispatan ng mga residente, ayon kay Police Major Jerylle Caranay, hepe ng Palimbang Municipal Police.

Hindi nakatakas ang suspek dahil sa gutom at pagod. Ilang araw din kasi siyang nagtago matapos ilunsad ang manhunt operation laban sa kaniya.

Nakakulong na sa Palimbang Municipal Police Station si Castro, na dati nang nahuli dahil sa kasong pagnanakaw.

Nailibing na nitong Sabado ang biktima na nilublob pa sa tubig pagkatapos umanong gahasain ng suspek.

Desidido ang pamilya na sampahan ng kasong rape at murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.