P3.1-milyon droga nakuha mula sa 20-anyos sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 04:25 PM

Nakayuko ang isang drug suspek habang nakalatag sa kaniyang tabi ang nasa P3.1 milyon halaga ng droga na nakumpiska umano mula sa kaniya. ABS-CBN News

CEBU CITY - Nakuha ang nasa P3.1 milyon na halaga ng droga mula sa isang 20-anyos na binata sa lungsod na ito, Linggo ng hapon. 

Isang linggong sinubaybayan ng mga operatiba ang suspek bago sila nakabili ng droga rito sa Barangay Labangon. Nasamsam mula sa kaniya ang halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu. 

Umamin naman ang suspek na napag-utusan siyang i-deliver ang bawal na gamot kapalit ng P5,000. 

Inaalam pa kung sino ang supplier ng binata. 

Nababahala naman ang ilang opisyal ng barangay dahil sa malalaking halaga ng droga na nasabat sa kanilang lugar lalo pa't mga out of school youth umano ang ginagamit sa pagtutulak nito. 

Maliban sa information drive, hinihimok din ng barangay ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasang masangkot sila sa iligal na droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.