Lalaking sinakal, binaril natagpuang patay sa kanal sa Benguet

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 04:23 PM

TUBA, Benguet -- Natagpuan sa isang kanal ang bangkay ng isang lalaking sinakal at binaril sa Barangay Tadiangan sa bayan na ito, Linggo ng umaga. 

Nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon ang biktima. 

Nakitaan siya ng mga marka ng pananakal sa leeg at tama ng bala sa ulo, ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng police Scene of the Crime Operatives. 

Posibleng doon lang din pinatay ang biktima dahil nakita malapit sa bangkay na ito ang isang nylon cord at 2 basyo ng bala, dagdag ni Tuba police chief Major James Acod. 

Nasa punerarya na ang mga kaanak ng lalaki na hindi muna pinangalanan sa kahilingan ng pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.